Hingi lang po ako ng advice kung saan ako makakabili ng murang exercise machine kasi napapansin ko na madalas akong magising ng madaling araw at mejo naninikip yung dibdib ko kaya naisipan ko na kelangan ko na siguro magpapawis araw-araw kahit 30mins lang siguro. Hindi ko kasi feel yung magtakbo takbo sa labas kaya gusto ko sana dito na lang sa loob ng house. Baka meron kayong alam na bilihan ng exercise machine na mura lang or kahit mga 2nd hand pero matibay pa para sa budget na 10K. Tanong ko na rin kung ano po ba mas maganda,treadmill o elliptical? salamat
↧