Mga ka ulop magtatanong sana ako about tax mapping ng BIR. Ito kasi ang nangyari may nag tax map sa shop ko wala pa kasi ako business permit nagmomonitor kasi ako kung bebenta ba mga services ko bale maliit lang na negosyo so far 200 to 300 pesos lang daily gross na yun. Na tax map ako habang wala ako sa shop at ang nanduon lang nung time is ung pinsan ko na bata at ung taga deliver ng LBC package, umalis kasi ako sandali para kumuha ng pera. Pag balik ko sabi ng pinsan ko at ung delivery man dumaan raw BIR pero wala ako babalik nalang daw sila. So ginawa ko bigla ako nag sarado ng shop dahil nga wala pa ako BIR permit dry rung muna ako. Ano po kaya mangyayari dun? Pag balik kaya ng BIR tapos sarado ulit shop ko baka i padlock nila ung shop ko? Need help ayaw ko na rin kasi mag register BIR ngayon malapit na december renewal nanaman. 2 Months ko lang magagamit permit. Advice naman po, or baka meron jan same experience sa akin, salamat po mga ka ulop.
↧