Quantcast
Channel: Recent Topics - Internet Cafe Forum
Viewing all articles
Browse latest Browse all 5433

Paano Nio Hinandle Ang Mga Short Sa Shop Nio? - by: KaylumCircle

$
0
0
last year ako ung shumoshoulder sa mga short ng attendant ko dahil 10-30 pesos lang naman. This year, dahil nagkaron kami ng maraming services, saka payo narin ng mga ibang shop owner, dinede-duct ko na sa kanila.

kaya lang ngayon, mukang lumalala ang situation dahil, may mga short sila ng humihigit 100 o sa loob ng isang buwan na babawasan ko sila ng 1500 sa short lang.

Ngayong araw sobrang dismayado ako dahil short ang bantay ko ng 300 pesos. Minsan naisip ko. WHAT IF, sila ung kumukuha tapos parang ok lang kung mas short sila kasi kaltas din naman sa kanila, parang ganoong mentality, tapos kung hindi ako mag check TY ung 300.

Actually may mga time na hindi ako nag checheck siguro one or twice sa isang buwan. At madalas naman nag prepretend akong di nag checheck. Maayos naman ang system namin, ginawa ko lahat pati utang, snacks, OK naman. iniisip ko nga baka nakukupitan sya. May CCTV din kami. Pero minsan nasasayang oras ko sa CCTV kasi sa pag ka busy ko manonood ako ng 1-2 hours na video tapos wla namang makikitang anomalya mula sa mga guest/players namin.

Gusto ko sanang implement ung sa malakihang kompanya like sa SM, aside sa kaltas meron ding suspension. Pero wla na akong makitang ibang bantay. Actually 3 years ko na tong bantay at ok naman sya.. un nga lang sa reporting tagilid sya.

so kayo paano nio hinahandle ang gantong case?

Viewing all articles
Browse latest Browse all 5433

Trending Articles